'Nagsagawa ng physical fitness test (PFT) ang hanay ng mga pulis ng Ifugao Provincial Police Office. Isinagawa ang aktibidad sa Ifugao State University Gymnasium-Lagawe Campus na pinangunahan ni Police Colonel Davy Vicente M. Limmong. Ito ay tumagal ng dalawang araw at nilahukan ng halos lahat ng mga pulis sa probinsiya ng Ifugao. Layunin ng aktibidad na ito na mapanatiling malusog at lalong mapalakas ang pisikal na pangangatawan ng mga pulis sa probinsiya. Nilalayon din ng aktibidad na malaman kung physically fit o unfit ang isang pulis. ---------------------------- We deliver the newest news fast, fresh, clear, and accurate thru our Radyo Agila reporters, correspondents and stringers all over the world. Official website: www.radyoagila.com Twitter: https://twitter.com/Radyo_Agila1062 Instagram: instagram.com/radyoagila YouTube: https://www.youtube.com/RadyoAgila1062'
Tags: Radyo Agila
See also:
comments